Skip to main content

Rolly Ongco Pasilan

Si Lorena at ang Kaharian ng mga Sirena

No reviews yet
Product Code: 9798215711361
ISBN13: 9798215711361
Condition: New
$18.37

Si Lorena at ang Kaharian ng mga Sirena

$18.37
 

Isang mabait at simpleng bata si Lorena pero hindi siya ordinaryong bata gaya ng kanyang inaakala. Nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugong bughaw ng isang pagiging sirena. Siya ang nawawalang anak ng reyna ng mga sirena sa Dagatlaot. Lumaki siya sa piling ng kanyang pekeng Nanay na dating kanang-kamay ng reyna. Kinamulatan niya na ang pagmalupitan siya ng kanyang Nanay kahit na nagsasaing siya, naglilinis ng bahay at naglalako ng mga isda para lang makuha siyang mahalin nito. Ngunit bigo siya, kung hindi sa kanyang kaibigan na pawikan, siguradong malulungkot lang siya buong araw. Tama, may kakayahan siyang makausap ang mga lamang-dagat. Isang araw, sumali siya sa paligsahan sa pag-awit.
Dahil taglay niya ang mala-anghel na tinig, nasungkit niya ang unang gantimpala. Masayang-masaya siya ngunit ang panandaliang kasiyahan ay napalitan ng kalungkutan ng ang premyong pera na itatabi niya sa kanyang pag-aaral ay sapilitang kinuha ng kanyang ina para igasta sa bisyo nito. Sinampal at nakatikim ng mga masasakit na salita si Lorena mula sa kanyang Nanay. Tumakbo siya sa dalampasigan habang umiiyak. Gulat sa kanyang nalaman si Lorena. Hindi siya tunay na anak ng kanyang Nanay. Isa siyang sirena. Anak ng reyna ng Dagatlandya. Sa tulong ni Pawikana, naglakbay siya sa karagatan patungo sa kaharian ng kanyang tunay na ina. Ngunit, hinarangan sila ng masamang sirena na si Oktupoda. Sinugod siya upang paslangin pero biglang naglabas nang nakakasilaw na liwanag ang kanyang mga mata. Tuwang-tuwa siya at si Pawikana.
Maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Lorena sa ilalim ng dagat bago niya narating ang nakaratay niyang ina, ang reyna ng Dagatlandya. Nariyan ang malapit siyang matusta sa bolang apoy ng dragon, makain ng pating, at matuklaw ng dagat-ahas.
Sa kanyang busilak na kalooban at pananampalataya sa Dakilang May Likha, nakamit niya ang pinakaasam-asam na pagmamahal ng isang ina na siyang pinakamabisang sandata upang kalabanin ang unos sa buhay at kasamaan ng mundo, sa lupa man o sa ilalim ng dagat.




Author: Rolly Ongco Pasilan
Publisher: Rolly Ongco Pasilan
Publication Date: Mar 31, 2024
Number of Pages: 124 pages
Binding: Paperback or Softback
ISBN-10: NA
ISBN-13: 9798215711361
 

Customer Reviews

This product hasn't received any reviews yet. Be the first to review this product!

Faster Shipping

Delivery in 3-8 days

Easy Returns

14 days returns

Discount upto 30%

Monthly discount on books

Outstanding Customer Service

Support 24 hours a day